Sa kagústuhan kó, na makábalitâ, mga nangyáyarí, sa'ting ináng bansâ, akó ay nághanáp, akó'y nág-usisâ, mga "social media", ang aking kinapâ. Ang napánoód kó'y, isáng abogadá, batás ni Claire Castro, itó ang programa, batás ng lipuna'y, hiníhimay n'yá, 'sús kay raming galít, punó ng intriga. Sa panónoód kó'y hindî nápigilan, at akó'y humanga sa talino n'yáng tagláy, mahigpít mág-urî, magalíng mág-aral, suriin ang batás, na tinátalakay. Batsilyer ng Sining, unang kurso sa UST, sa Batsilyer ng Batás, ay umani ng papuri, at sa pagá-aral, nág-tapós na Cum Laude, ngayó'y nasa Malacañang, "Under Secretary". At náisipan kong gumawâ ng tulâ, sapagkat sa kanyá, akó'y napá-hangà, akó ay nadalá ng kan'yáng adhikâ, labanan ang malî, pulutin ang tamâ, Mga nangyáyarì sa kapáligirán, kan'yáng inú-urî ang katótohanán, mga pekeng "peddlers", sakít ng lipunan, laging binúbukó, mga kasamaán. Siyá ay nágsumbóng, sa may kapángyarihan, "fake news vlogger", ang nagíng dahilán, pag natapós n'yá raw, ang ginágampanán, "appendix" at "toxic", lang ang waláng latay. Ikinúmpara n'yá'y buhay ng talangká, sa buhay ng anay na sobrang manirâ, mga mamámayang waláng ginágawâ, ang ibinábato'y mga masásamâ. Maramî ring Latin ang natútutuhan, mga giná-gamit sa batás lipunan, kanyang paliwanag, matapos pakinggan, magré-research akó't, wiká'y dî kó alám. Itóng "Motu Proprio", isáng halímbawà, may kapángyariha'y, kí-kilos ng kusâ, ang hukom ng baya'y, pwedeng mágsimulâ, mágpasiyá at kumilos, sakâ mág usisâ. At may "Ad Hominem", ang gawáng manirâ, ang págkatao mo, ang laging may tamâ, silá'y nalíligáw, gawâ ay masamâ, nakíkipágtalo, kahit silá'y lisyâ. "Subpoena Duces Tecum", dapat káng lumabás, iká'y lílitisin, kasong sadyang malas, may ná-gawá ka raw, páglabág sa batas, mágdalá ng dokumento, kung gustong máligtás, "Subpoena Ad Testificandum", ay isang mandato, ná sa takdáng oras at petsâ, ika'y tí-testigo, háharáp ká sa hukuman, at magsásabî ng totoó, ipáhayag ang nalálaman, pátungkól sa kaso, Ang "Obiter Dictum", ay mga komento, sa saligang batás, waláng pwersâ itó, mabábang hukuma'y, dî rumé-respeto, sapagkat "by the way", minsan ay perhuwisyo. "Ratio Decidendi", ay merong dahilan, sa págpapasiyá'y, isáng panuntunan, itó'y nagtátakdâ, at dapat na sundán, sa nagiging hatol, ng mababang hukuman. "Falsus In Uno, Falsus In Omnibus", kung malî sa isâ, ay malî ng lubós, kung may nasabî ka, na kasinugalingan, lahát ng sinabî móy, dî dapat paniwalaan. "Expressio Unius, Est Exclusio Alterius", sá batás ng tao, huwág magpádalós-dalós, yung binanggít lamang, ang dapat kasamà, kung walâ sa listahan, silá'y itsâ-puwera. Abogada ng bayan, nakikipág-paligsahan, mga mamámayán ang pinakíkinggan, kung mágpaliwanag, tunay ang katwiran, sa usaping batás, nagtátanggol, lumálaban. Leandro Leviste, nágsampá ng demanda, ng hinimáy niyá, kwento ni Remullâ, dî s'yá nágreklamo, at hindî kumontra, duón sa hukuman, maglálaban silá. Itóng sî Magalong ná mayor ng Baguio, merong nalálaman, waláng kibó itó, dapat makáratíng itó sa ICC, upang lahát silâ ay makapág-sisî. At si Mike Defensor, mahilig máng-guló, "Dirty Tricks Department", ay kalihim itó, "Miranda Rights" hiní-hingî, sa kanyáng reklamo, pagkát natátakot, sa balibág n'yáng kwento. Si Sara Duterte'y huwág mó ng pansinin, hindî na marapat na iyóng suriin, masamâ niyáng asal, ay huwág ng himayín, ang págkatao mó'y, huwág ng pabábaín. Gustô kó Ante Kler, ikáw ay tumakbó, sana'y linisin niyó ang ating senado, kayó ni Ping Lacson, págtulungan ninyó. inyóng sabunutan, ang matandáng kalbó, Dapat imbestigahan, itóng si Marcoleta, posible ba siyáng sleeper cell ng China, kung mapatunayang may pagká-kasala, bigyan ng parusang "Reclusion Perpetua". Sa ating kongreso, merong matalino, abogada rin siyá, ang ngala'y Luistro, kung magká-kasama, kayó sa partido, mga taong baya'y bóboto sa inyó. "Quo Vadis" Filipinas, saán ka patungo, mga bayani mo'y, nág-alay ng dugo, mga mamámayan, ngayo'y nakádukmo, "Res Ipsa Loquitor", nakapanlúlumo?